Pahayag ng Paniniwala ng Kristiyanong Pananampalataya
[A1]
Sa loob ng labing-pitong daang taon ang
Kristiyanismo ay nahubog sa teolohikal na sistema na nababatay sa Griyegong
pilosopiya at sistemang nauugnay sa Neo-platonismo.
Ang paniniwalang may iisang Diyos ang pinakasimpleng mensahe ng bibliya sa
pinagbuklod na pahayag ng Diyos sa tao sa dalawang testamento ay iniiba at
di-tumutugma dahil sa kapakanan ng kapangyarihan at sa kapangunahan ng mundo.
Ang huling
resulta ay kung ano ang naiintindihan sa kayarian katulad ng inihain sa
kapulungan ng Nicaea (c. 325 AD), Laodecea (c. 366 AD), Constantinple (381 AD),
at Chalcedon (451 AD). Ang kayarian ang siyang bumago sa pag-unawa sa Diyos sa
pamamagitan ng mga naisulat nasiyang lumikha sa Tatlong Persona. Ang kapulungan
ng Laodicea (canon 29) ay lumabag din sa araw ng pangilin, bilang kapalit,
tinanggap nila ang paganong pista mula sa Linggong pagsamba patungo sa
Disyembreng Pista ng Araw at ang Mahal na Araw ay ipinalit sa Paskuwa. At ang
isa pang napalitan ay kung paano unawain ang paraan at kautusan sa bibliya na
dapat ipaliwanag. Ang kautusan n ibinigay kay Moises ay sinasabing hindi na
kaugnay-ugnay at ang Bagong Tipang pahina na ipinaliwanag muli upang bigyang
katarungan ang kasalukuyang paganong gawi.
Isang halimbawa,
ang batas sa mga pagkain na inalis dahil sa maling paggamit ng Gawa 10 at ng
iba pang kasulatan. Madaling nakita ang epekto nito sa kalusugan ng tao.
Subalit, ang resulta sa kapaligiran ay tunay na makikita lamang pagkalipas ng
mga dalawang libong taon. Ang pagkaputol ng ikot ng pagkain (food chain) ay
kinabibilangan ng, sa malalaking antas, na pagkonsumo ng pagkaing ipinagbabawal
sa bibliya.
Ang pagkapeste
ng mga lupain ay makikita lamang pagkatapos na ang lupa ay sairin ng hindi
pagsunod sa hubileong sistema at ang pagpapahinga sa lupa dahil sa di-mabuong
pag-uugnay sa kalendaryo na nababase sa ikalabing-siyam na taon ng siklo ng
buwan ang pagpapakilala ng arawang kalendaryo na siya mismong pangunahing
hakbang sa pagpuksa sa pang-unawang huwarang modelo at siklo na itinatag ng
Diyos na natayo para sa likas na armonya.
Ang Kristiyano
ay may maliit lamang na pagkakatulad kung mayroon man sa orihinal na
Kristiyano. Ang pag-usbong ng Islam at ang gulo sa kanila ay walang pasubaling
resulta ng maling sistema ng Kristiyano na nakatakda na sa Europa at sa
Kanlurang Asya sa pamamagitan ng sistemang teolohikal ng Griyego na ginagamit
ang teolohiyang Cappadocian na base sa paniniwalang may tatlong Diyos at
tinangkang mistikal na pagbuklurin ito sa Diyos at bilang Diyos.
Ang paniniwalang
may tatlong Diyos ay ‘di nagtagumpay. Ang huling resulta sa ikalabing-pitong
daan taon ng maling doktrina ay naging malapit na pagkawasak ng planeta at ang
pag-uusig sa mga tao na tunay at nagpupumilit na sumusunod sa kautusan ng
bibliya.
Ang layunin ng
gawaing ito ay ihiwalay ng malinaw at simple sa posibleng paraan ang tunay na
mensahe ng Bibliya at ng Bagong Tipang iglesia sa ilalim ni Hesus Kristo at ng
mga apostoles. Walang alinlangan ang ibang tinatanging pabula ay mahahamon at
wawasakin sa kung ano ang sinasabi dito. Ang gawaing ito ay isinulat upang ito
ay malapit hangga’t maaari sa serye ng biblikang pahayag o bigay-kahulugan na
sumusuporta sa binabanggit ng teksto. Sa ganoong paraan ang pag-aaral sa
gawaing ito ay hindi naman malabo at ang nilalaman ng pahayag ay malinaw. Na
kung saan posibleng ang kumpletong hanay ng teksto sa isang paksa ay nakatala
upang maiwasan ang lahat ng lumalaganap na gawi ng pag-uulit ng bukod o
pag-uulit ng maling pagbuo ng teksto. Ang ibang biblikang teksto ay
pangkaraniwan huwad (e.g. 1Jn. 5:7 KJV; 1Tim. 3:16 KJV mula sa Codex A), o
maling pagsasalin (1Cor. 15:28 RSV etc; Apo.3:14 NIV at iba pa), ginawa upang
salungatin ang teksto na sinusuportahan ang paniniwalang may tatlong Diyos o
Cappadociang sistema kung kailan naipakita ang pagbubukod.
Sa pagbabalik ng
Mesiyas muli niyang ipakikilala ang kabuuan na sistema ng kautusan na ibinigay
niya kay Moises sa Sinai. Lahat ng Kristiyano ay may obligasyong kilalanin at
isagawa ang sistema ng pamumuhay at pagsamba na ipinapakita ng Bibliya. Ang
Kristiyano ay obligadong tularan ang paraan ng pamumuhay ni Hesus Kristo at
mabuhay sa sistemang ipinakilala niya ng nabubuhay pa siya bilang tao at bago
nagkatawang-tao. Ang gawaing ito ay inaalay sa pagllikha ng buong sistema na
nagkakaisa at madaling kilalanin na paraan upang ang maling sistema ng
ikalabing-pitong daan taon ay maaari ng tanggalin at ang orihinal at totoong
paraan ay maaari ng ipakilala at isagawa sa buhay ng lahat ng tao kahit
anupaman ang ginawa nila sa nakaraan. Ang atin tungkulin ay tawagin ang mga ito
sa pagsisisi at pagbabagong-buhay.
Eloah ang Diyos ng Lumang Tipan
at ang Templo at ang diyos ni Hesus Kristo sa Bagong Tipan. Ang Templo sa
Herusalem ay ang tahanan ng Eloah
(Ezra 4:24; 5:2,13,15,16,17; 6:3,5,7,8,16,17; 7:23). Siya
ang Eloah ng Israel (Ezra 5:1; 7:15), ang makapangyarihang Eloah ng langit (Ezra 5:8,12). Siya ang dahilan ng pagpapakasakit
sa Templo (Ezra 6:10) na siyang dahilan ng pamamahay ng kanyang pangalan (Ezra
6:12). Siya ang nag-utos ng pagtatatag ng Templo (Ezra 6:14) at ang mga pari
ang siyang tumatayong tagapaglingkod niya (Ezra 6:18; 7:24) at gumagawa ng
kanyang nais (Ezra 7:18). Ang kautusan ay kautusan ng Diyos sa langit (Ezra
7:12,14). Sa mga nakakaalam ng kautusan ng Diyos ay dapat ituro sa mga ‘di pa
nakakaalam (Ezra 7:25) at ang paghusga ay sa kautusan ng Diyos (Ezra 7:26). Ang
katauhang ito ay ang Ama na siyang nag-iisang Diyos at kataas-taasang Diyos,
ang Ama ng Mesiya at lahat ng anak ng Diyos.
KABANATA 1
1.1 Ang
Diyos Ama
1.3 Ang Banal na Espiritu
Ang Banal na Espiritu
(Gawa 2;4), ay ang kakayahang o kapangyarihan ng Diyos na ipinangako ni Kristo
na ipadadala sa mga hinirang (Jn. 16:7). Hindi tao subalit karugtong ng buhay
na kapangyarihan ng Diyos. Ng dahil dito kaya tayo naging bahagi ng kanyang
likas na kabanalan (2Pedro 1:4), na napupuno ng Banal na Espiritu (Gawa 9:17;
Efeso 5:18) at kaya lahat ng anak ng
Diyos (Job 38:7; Roma 8:14; 1 Jn. 3:1-2) at tagapagmanang kasama ni Kristo
(Roma 8:17; Galacia 3:29; Tit. 3:7; Heb. 1:14, 6:17, 11:9; Santiago 2:5; 1Pedro
3:7). Ito ay ibinigay ng Diyos sa mga humihiling (Lucas 11:9-13) at sumusunod
sa kanya, nananatili sa mga sumusunod sa
mga kautusan ng Diyos (1Jn. 3:24; Gawa 5:32). Ang Banal na Espiritu ang
nagtuturo sa mga tagapaglingkod ng Diyos sa lahat ng katotohanan (Jn.
14:16,17,26). Ang Banal na Espiritu ang nagpapakita ng kapangyarihan maging
saksi (Gawa 1:8). Ito ang nangangasiwa ng mga kakayahan na nakatala sa 1Corinto
12:7-11 at may bunga na inilalarawan sa Galacia 5:22-23 na hinda ipinagkaloob
na sinusukat (Jn. 3:34 RSV; Roma 12:6). Ito ay sa paraan na ang Diyos ay maaaring maging
lahat, sa lahat (1Corinto 15;28; Efeso 4:6).
Ang
Banal na Espiritu ay gumagawa na bago pa ang pagbibinyag. Ang espiritu ang
naglalapit sa bawat tao sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo (Heb. 7:25).
Ang pangunahing bunga ng espiritu ay ipinagkakaloob
sa bawat tao sa kanilang pagbibinyag, mula sa Roma 8:23, kung saan malinaw na
sinasabi na ang pagkupkop ay hindi
mangyayari hanggang sa pagtubos sa ating
katawan.
Sa ganitong paraan tayo ay ipinanganak na muli subalit patuloy tayo sa pagpapalaki sa espiritu
araw-araw kay Kristo Hesus hanggang sa dumating tayo luwalhati ng Diyos. Ang
Banal na Espiritu ay ang espiritu ng katotohanan (1Jn. 4:6, 5:6) at sa
pagsasabi ng katotohanan ang lahat ng bagay ay magsisilaki kay Kristo na ating
pinuno ng buong respeto (Efeso 4:15). Ang Banal na Espiritu ay ng espiritu ng
Diyos (Roma 8:14) at ang espiritu ng pananampalataya
(2Cor. 4:13) kung saan nakikita lahat at alam lahat (1Cor. 2:10-11,12:3ff).
Dahil dito ang Banal na Espiritu ay hindi umaasa sa
aspeto ng paniniwalang may tatlong Diyos sa halip ito ay paraan upang tayo ay
naging elohim (Zacarias 12:8). Ang Espiritu nagpapabatid sa Diyos ng
ating mga kaisipan at pagkatao. Ang daan sa pagkatao sa pamamagitan ni Hesus
Kristo bilang ating tagapamagitan at tagapamagitang elohim o theos (Awit 45:6-7; Zac. 12:8; Heb.1:8-9) itinulot
na si Kristo ay makatulong, magturo at aluin tayo at itulot na tayo ay magsanay
sa kapangyarihan ng Diyos. Ang Espiritu ang nagbibigay sa bawat tao ng
katangiang nais ng Diyos upang makinabang ang katawan kagaya ng balangkas sa
1Corinto 12;7-11.
Ang Espiritu ay maaaring mawala (1Tesalonica 5:19)
dahil sa pagwawalang bahala o pagdadalamhati (Efeso 4:30) at sa gayon ay
tinatanggap ang mga nakakamit at nawawala sa isang indibidwal.
Ang bunga ng banal na Espiritu ay pag-ibig mula sa
Galacia 5:22. Samakatuwid, kapag hindi natin minahal ang bawat isa ang Banal na
Espiritu ay hindi lantad.
Ang Epiritu ay ang paraan kung saan tayo ay
nagpupuri sa Diyos na ipinahahayag sa Filipos 3:3. Subalit, hindi maaaring ang
Diyos bilang layon ng pagpupuri at, kaya, kapantay ng Diyos Ama. Ito ay lakas
na nagbibigay kapangyarihan kay Kristo. Si Kristo sa gayong paraan ay walang
hanggang Ama (Isa. 9:6) kung saan marami ang sangbahayan sa langit at sa lupa (Efeso 3:15). Si Kristo ang naging Walang hanggang
Ama sa pamamagitan mng delegasyon.
Ang lahat ng sangbahayan
o pamilyang pinangalanan para sa
Diyos Ama na siyang dahilan ng ating pagluhod sa Diyos Ama, nagpupuri sa kanya
(Efeso 3:14-15).
Si Kristo ang unang
ipinanganak o unang pinagmulan ng paglikha. Sa Kaniya lahat ng bagay ay nilikha sa langit at sa
lupa, nakikita at di-nakikita, maging trono o dominyon o pamunuan o
kapangyarihan, ang lahat ng bagay ay nalalang sa pamamagitan Niya at para sa kanya. Siya ang una sa lahat ng mga
bagay at sa kanya lahat ng mga bagay nanatiling
magkakasama (Col. 1:16-17). Pero ang Diyos ang lumikha sa Kanya at
siyang maykaloob na ang paglikha ay mabubuhay at mananatili kay Kristo.
Samakatuwid, si Kristo ay hindi Diyos sa kahit na anong kamalayan na Diyos at
ang Diyos Ama ay ang Diyos at siya lamang ang walang kamatayan (1Tim. 6:16)
nabubuhay sa habang panahong pamamalagi.
Ang mga Kristiyano ay tinatawag sa mundong ito para
sa habang buhay na paglilingkod at pagtatalaga. Marami ang tinawag ngunit
kaunti lamang ang napili (Mat. 20:16, 22:14). Ang mga Kristiyano ang napili
gaya ni Kristo na pinili ng Diyos (Lk. 23:35). Ang mga hinirang ay pinili ni
Kristo (Jn. 6:70, !5: 16,19),sa ilalim ng utos ng Diyos (1Ped. 2:4).
Upang tulungan ang iglesia, ang mga hinirang na
kumakatawan sa iglesia, o ang iglesia, ay binigyan ng pang-unawa sa mga
misteryo ng Diyos. Ang banal na Espiritu ay ang mekanismo kung saan binigyan
sila ng pang-unawa sa misteryo ng kaharian ng Diyos (Marcos 4:11). Para sa
karunungan ng Diyos ay sinasabi na mahiwaga (1Cor. 2:7), na ipinaliwanag ng mga
tagapaglingkod ng Diyos (1Cor. 2:7, 15:51). Para sa kalooban ng Diyos ay
ipinaliwanag na mahiwaga (Efeso 1:9) na binigay ng Diyos sa kanyang
tagapaglingkod sa pamamagitan ng paghahayag. At saka ang misteryo ay nasa
pamamahala ni Kristo sa pamamagitan ng mga hinirang.Si Paul ay sumulat
…ipagpalagay na narinig mo
ang pamamahala ng grasya ng Diyos na ibinigay mo sa akin para sa inyo, kung
paanong ang misteryo ay nalaman dahil sa akin sa pamamagitan ng pahayag, kagaya ng maikling isinulat ko.
Kapag binasa niyo ito makikita n’yo ang aking maliit na kaalaman sa misteryo ni
Kristo, na hindi ipinalam sa mga anak ng sangkatauhan sa ibang henerasyon na
ngayon ay ipinahayag sa kanyang banal na disipulo at propeta sa pamamagitan ng
Espiritu, iyon ay, kun paano ang ibang lahi na kapwa tagapagmana, nabibilang sa
parehong puno, at kasama sa pangako kay Kristo Hesus sa pamamagitan ng
ebanghelyo (Efeso 3:2-6).
1.5 Ang relasyon ni Kristo, Satanas at
ang Hukbo sa Diyos
Marami
ang entidad na binanggit sa Bibliya bilang Elohim o Theoi, ibig sabihin ay Diyos. Si Kristo ay isa sa mga nakababa sa entidad
na binanggit sa Lumang Tipan bilang Elohim (tingnan sa Zacarias 12:8). Si
Kristo ay binanggit sa Bagong Tipan bilang bagong tala sa umaga at sa kanyang
pagbabalik sa lupa. Ibabahagi Niya ang katayuang ito sa kanyang mga
hinirang (Apo. 2:28, 22:16).
Ang Diyos ay itinalaga sa Bibliya na
Diyos at ama ni Kristo (mula sa Roma 15:6; 2Cor. 1:3, 11:31; Apo. 1:1, 6,
15:3). Kinuha ni Kristo ang kanyang buhay, lakas at kapangyarihan sa utos ng
Diyos ama (Jn. 10:17-18).
Ang hangarin
ni Kristo ay ayon sa kalooban ng Diyos, na siyang Ama (Mat. 21:31, 26:39; Mar.
14:36; Jn. 3:16, 4:34). Ibinigay ng Diyos kay Kristo ang mga hinirang at ang
Diyos ay nakakahigit kay Kristo (Jn. 14:28) at higit sa lahat (Jn. 10:29). Dahil
dito ipinadala ng Diyos ang nag-iisang
nilikhang (monogene) anak sa lupa
upang tayo’y mabuhay sa pamamagitan niya (1Jn. 4:9). Tanging ang Diyos ang
nagpaparangal at nagpupunyagi kay Kristo (Jn. 8:54), ang Diyos bilang
nakakahigit kay Kristo (Jn. 14:28).
Ang Diyos ay ang Bato (sur)
tulad ng Tibagan at Bundok kung saan ang iba ay gumuho, ang pingkiang bato ni
Josue 5:2 na nagtuli sa mga Israel, ang puno at sanhi (Deut. 32:4). Ang Diyos ay ang Bato ng Israel, ang Bato ng kaligtasan
(Deut. 32:15), ang Bato na naging sanggalan nila (Deut. 32:15, 28-31). 1Samuel 2:2
nagpapakita na ang ating Diyos ay ang ating Bato, ang walang hanggang Bato
(Isa. 26:4). Mula sa Batong ito na ang iba ay pinutol tulad ng lahat ng inapo
ni Abraham sa pananampalataya (Isa. 51:1-2). Ang Mesiyas ay pinutol mula sa
Batong ito (Dan. 2:34,45) upang supilin ang mundo sa paghahari. Ang Diyos ay ang Bato o pundasyon sa
simulain na inihain at sa kay Kristo na magtatayo ng kanyang iglesia (Mat.
16:18) at sa kung saan Siya ay mamahinga. Ang Mesiyas ay ang Puno ng Haligi ng Templong Bato ay pinutol
lahat sa Bato ng Diyos, tulad kay Kristo at ang binigay kay Kristo, ang
Espiritung Bato (1Cor. 10:4), ang batong pangbuwal at batong katitisuran (Roma
9:33) na bubuo sa Templo.
Si Kristo ay gumagawa ng Templo upang
ang Diyos ay sumasa lahat, nasa lahat (Efeso 4:6). Ibinigay ng Diyos si Kristo
sa lahat at lahat (panta kai en pasin
Col. 3:11) inilagay lahat ng bagay sa ilalim ng kanyang paa (1Cor. 15:27)
ipinagkaloob sa kanya upang maging pinuno sa lahat ng bagay sa iglesia kung
saan ito ang kanyang katawan, ang kabuuan niya na pupuno ng lahat sa lahat
(Efeso 1:22-23). Ng ilagay ng Diyos lahat ng bagay sa ilalim ni Kristo,
makikita na maliban sa Diyos ang lahat ng bagay ay inilagay Niya sa ilalim ng
paa ni Kristo (1Cor. 15:27).
Kapag pinasuko ni Kristo lahat ng bagay
noon din si Kristo ay susuko sa Diyos na Siyang naglagay ng lahat ng bagay sa
ilalim ni Kristo upang ang Diyos ay maging lahat sa lahat (panta kai en pasin 1Cor.
15:28 hindi bilang kada RSV). Samakatuwid ang Platosismong doktrina na nagpapakita
ng pagsasama ng Diyos at ni Kristo sa Tatlong-isa ay sumasalungat sa Bibliya.
Si Kristo ay umupo sa kanan ng Diyos, sa utos ng Diyos (Heb. 1:3,13, 8:1,
10:12, 12:2; 1Ped. 3:22) at kasama ng Diyos sa trono maging ang mga hinirang ay
makakasama sa trono na ibinigay kay Kristo (Apo. 3:21) na ang trono ng Diyos (Awit 45:6-7; Heb. 1:8) o
ang Diyos ay ang Trono na isinalin
sa Ang
Trono mo o Diyos.
Ang Diyos, na siyang nagpadala, ay nakahihigit kaysa sa ipinadala (Jn. 13:16), ang alipin ay hindi hihigit kaysa sa kanyang panginoon (Jn.15:20).
Si Kristo ay hinamon sa ilang ni Satanas
at ang bunga ng pagsubok ni Satanas ay nagsimula. Si Satanas, na siyang umagang bituin, ang Lucifer o Tagapagdala ng liwanag sa mundong ito (Isa. 14:12) bilang
tagabantay at guro noon, sa naging bunga, isa sa mga Elohim na siyang nakabababa sa Diyos Ama.
Si Kristo ay
ang bituin na dapat lalabas sa Jacob (sa Bilang 24:17). Subalit ipinahayag sa
aklat ni Moises na isa sa umagang tala na binanggit bilang kaharap sa pagbuo ng
mundong ito (sa Job 38:7) isa sa mga elohim,
ay magiging tao pagdating kay Jacob at mula kay David (Apoc. 22:16).
Ang Elohim na ating alam na si Hesus Kristo ay hindi ang umagang tala ng mundong ito. Ang hanay na iyon ay hawak ni Satanas (mula sa Isa. 14:12 at Ezek. 28:2-10).
Si Kristo ay pinahiran ng langis bilang elohim ng Israel mula sa Awit 45:7 at
pinahiran ng langis sa ibabaw ng mga kasama niya. Gayunpaman, si Kristo wala sa
katayuan ng umagang bituin at hindi umasam ng tungkulin hanggang sa kanyang
ikalawang pagbabalik. Ang katayuan at tungkulin ay ibabahagi kay Kristo sa mga
hinirang, na ibinabahagi ang kanyang kalikasan bilang umagang bituin sa
kanilang mga puso (isinalin sa Araw na
Bituin sa 2Pedro 1:19). Ang mga hinirang ay ipinangako na ibabahagi sa
kapangyarihan na ito mula sa Apocalipsis 2:28.
Si Satanas, bilang umagang bituin, hinamon niya ang Diyos ng kataas-taasan
o ang Diyos Ama na siyang sinasabi sa atin sa Isaias 14:12. Pinilit niyang
iakyat at dakilain ang kanyang trono, ang trono ng Diyos, sa ibabaw ng mga
bituin ng Diyos o ang kapulungan ng Elohim.Itong kapulungan ay ang kapisanan ng mga Elohim o mga Diyos na
tinutukoy sa Awit 82:1. Ito ay sa kapakanan para alalahanin na si Irenaeus, ang
disipulo ni Policarpio, disipulo ni Juan, pinanatili sa Awit 82:1 na tumutukoy
sa Theoi o mga Diyos na isinama rin ang mga hinirang, na pinangalanang sa mga inampon (Against Heresies,
Bk. 31 Ch.6, ANF. Vol. 1, p. 419).
Marami ang anak ng Diyos (mula Job 1:6, 2:1, 38:7; Awit 86:8-10, 95:3, 96:4, 135:5) na kinilala bilang mga Bene Elyon o mga Anak ng Kataas-taasan.
Ang mga taong hinirang ay kasama rin sa hukbo sa kalangitan bilang Anak ng
Diyos (mula sa Roma 8:14). Gayunpaman, si Kristo at ang mga hinirang bilang
Anak ng Diyos ay kaisa ng Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, itinalaga
mula sa pagtatatag ng mundo. Si
Kristo ay nagpababa ng kanyang kapangyarihan upang maging tao. Siya sa lahat ng
mga hinirang ay nakatanggap ng kapangyarihan bilang anak ayon sa Espiritu ng
kabanalan sa pamamagitan ng pagkabuhay na muli ng mga patay (Roma 1:4).
Mula sa Gawa 7:35-39 na isang anghel ang nagsalita kay Moises sa Sinai at
ang anghel na ito ay si Kristo. Sa Galacia 4:14 I Paul ay tinanggap tulad ng
isang anghel ng Diyos tulad kay Kristo Hesus.
Tayo rin ay magiging anghel (Mat. 22:30) bilang isang kautusan o isaggelos (mula sa Lk. 20:36) bilang
kapwa tagapagmana ni Kristo (Roma 8:17; Gal. 3:29; Tito 3:7; Heb. 1:14, 6:17,
11:9; San. 2:5; 1Ped. 3:7). Sa Lumang Tipan ipinakilala ang Anghel ng YHWH na
magkaparehong Jehovah at Elohim (Ex.3:2,4-6 kung saan ang Diyos o elohim rito ay isang anghel; cf. Zac.
12:8).
Awit 89:6-8
nagpapakita na may Kapulungan ng mga Banal (qedosim
o qadoshim, ginagamit din ng tao) na
sumasaklaw sa loob at labas ng kapulungan. Ito ay mauunawaang makalangit na
kapulungan ng mga Elohim na
makatarungan.
1.5.1 Si Kristo Bilang Anak ng Diyos
Tinangka ni Satanas na tuksuhin si Kristo sa maraming paraan. Una tinukoy
ni Satanas si Kristo na Anak ng Diyos (sa Mat. 4:3, 4:6; Lk. 4:3). Ang mga
demonyo rin ay tinukoy si Kristo na Anak ng Diyos (sa Mat. 8:29; Lk. 4:41; Mar.
3:11). Pinilit ni Satanas si Kristo na patunayan ang kanyang katayuan bilang
anak ng Diyos sa pagpapakita ng kapangyarihan, na ipinangako ng Diyos na
ibibigay niya ang kanyang mga anghel na mag-iingat sa kanya (Awit 91:11-12
).Kinaligtaan na ni Satanas na magpakabuti
sa lahat ng paraan at idagdag pa na sa lahat
ng panahon. Gayunpaman, sa maling paglalagay ng teksto ng Bibliya, si
Satanas ay nagtangkang kuhanin ang buhay ni Kristo.
Kahit kailan hindi tinuwid ni Kristo si Satanas o ang mga demonyo sa
paghahayag na siya ay Diyos sa halip na Anak ng Diyos. Sa katunayan, walang
demonyong nagtangkang ipahayag ang paglilinlang na si Kristo ay kataas-taasang
Diyos hanggang matapos ang kanyang pagkamatay upang mailahad ang doktrina na
nagsasaad na si Kristo ay Diyos, pagkatapos ng kanyang kamatayan, isang
panlilinlang na si Kristo ay pinabulaanan sa buhay. Sa bawat tuksong ang
layunin ay papanghinain ang pagkamasunurin ni Kristo sa Diyos at sa, ang bunga,
pagsuway sa Bibliya. Si Satanas ay nagtangka na si Kristo ay sumamba sa kanya.
Ipinangako niya kay Kristo ang pamumuno sa planeta pagkatapos kung si Kristo ay
sasamba sa kanya.
Hindi hinamon ni Kristo ang kanyang karapatan sa paglilipat ng pamumuno sa planeta
na sa katunayan siya ang pinuno. Sa halip si Kristo ay nagpahayag na
….. ito ay nasusulat: Kayo ay sasamba sa
Panginoon na inyong Diyos at siya lamang ang
paglilingkuran. Hindi
sinabi ni Kristo kay Satanas na sambahin siya pero sa halip ay tinukoy niya ang
kautusan sa kanya. Si Kristo hindi kailanman at sa anumang panahon ng kanyang
pangangaral na angkinin ang pagiging Diyos. Sinabi niya na siya ay anak ng
Diyos. Dahil sa dahilang ito kaya siya nalagay sa pagsubok.
At sinabi sa Mateo 27:43
Nananalig siya sa Diyos. Ililigtas niya siya ngayon kung siya ay iniibig,sapagkat sinabi niya,
‘Ako’y anak ng Diyos’.
At dito ng si Kristo ay
umiyak upang tuparin ang sinasaad sa Bibliya ng Awit 22:1
Diyos ko,
Diyos ko, Bakit mo ako pinabayaan?
Si
Kristo malinaw na hindi inisip ang sarili na Diyos. Na iminungkahi na siya ay
bahagi ng entidad kung saaan umapila, sa pantay na anyo, na ang bahagi na hindi
mangyayari, ay walang katotohanan.
1.5.2 Ang
Doktrina ng Anti-Kristo
Ang doktrina
ng laban kay Kristo ay ipinahyg sa 1Juan 4:1-2. Ang tamang matandang teksto para sa 1Juan 4:1-2 ay binuo
muli mula sa Irenaeus, kabanata 16:8 (ANF, Vol. 1, fn.p.443).
Sa pamamagitan nito
nakilala n’yo ang espiritu ng Diyos: Bawat espiritu na nagtapat na si Hesus
Kristo ay naparitong nasa laman ay nasa Diyos; at bawat espiritu na hinihiwalay
si Hesus Kristo ay hindi na Diyos sa halip ay nasa anti-Kristo.
Si Socrates
ang mananalaysay ay nagsabi (VII, 32,p.38) na ang daan ay tinanggal ng mga
gustong ihiwalay ang pagiging tao ni Hesus Kristo mula sa kanyang pagka-Diyos.
Si Kristo bilang anak ay hindi ang nag-iisang
tunay na Diyos (Jn. 17:3)
At saka sa Lucas 22:70 lahat silang nagsabi
Ikaw baga ang anak ng Diyos?
At sinabi
niya sa kanila Kayo ay tama na nagsasabing ako nga.
Siya ay nakilala bilang Anak ng Diyos sa
·
Mateo 27:54
kung saan sinabi Tunay na siya ang Anak
ng Diyos.
·
Marcos 1:1
isinasaad sa Ebanghelyo na kay Hesus Kristo, Ang Anak ng Diyos.
·
Lucas 1:35
nagpapahayag na ang Banal na bagay ay ipanganganak ay tatawaging Anak ng Diyos.
Upang maintindihan na si Kristo ay ang
anak ng Diyos ay pagpapahayag mula sa Diyos.
At sumagot si Simon Pedro at sinabi, “Ikaw si
Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” At sumagot si Hesus at sa kanya’y sinabi
“Mapalad ka Simon Bar-Jonas, sapagkat hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at
dugo, kundi ng Aking Ama na nasa langit.(Mat.16:16-17)
Gayundin sa Mateo 11:27 ipinahayag
Ang lahat ng bagay ay inihatid sa akin ng
Aking Ama at wala ni isa mang
nakakakilala sa Anak maliban ang Ama. Ni kahit isa man ang nakakaalam sa Ama
maliban sa Anak at sa isa kung sino ang Anak ay sa kanya nais na ipahayag.
Dahil dito ang Ama ay nagpahayag ng mga
bagay sa bawat isa at ibinigay sila kay Kristo na siya namang nagpahayag ng
tungkol sa ama sa kanila.
1.5.3 Ang Pangalan at Kapangyarihan ng
Diyos
Walang duda na ang Diyos ay nag-iisa at
makapangyarihan. Kawikaan 30:4-5 na nagpapakita ng pangalan ng Diyos at Siya ay
may anak.
Sino ang inakyat sa langit at bumaba?
Sino ang nakapagtipon ng hangin sa Kaniyang
mga palad?
Sino
ang nagbalot ng tubig sa Kanyang
kasuutan?
Sinong
nagtatag sa lahat ng sulok ng daigdig?
Ano ang
Kanyang pangalan at ang pangalan ng Kanyang anak? Sabihin n’yo sa akin kung
alam n’yo.
Bawat
salita ng Diyos [ELOAH] ay walang kapintasan: Siya’y kalasag sa kanila na
nanganganlong sa Kanya.
Huwag kang
magdagdag sa Kanyng mg salita, baka Kanyang sawayin ka at patunayang
sinungaling ka.
Ang Bibliya
ay nagpapaliwanag sa sarili at ang pangalan ng Diyos ay kaagad na tinustusan
ang sumusunod na tanong at ito ay maliwanag na ang entidad na ito ay hindi
kasama ng Diyos at Anak pero, sa halip, Siya ay may Anak.
At saka, ang Bagong Tipan ay
nagpapahayag ng malinaw na ang Ama ay siya ang layunin ng pagsamba. Binalaan ni
Kristo ang Samaritanang babae sa Juan
4:21 na may oras na darating na hindi na nila sasambahin ang Ama na kahit sa
kanyang bundok (Samaria) o sa Herusalem. Subalit maliwanag na kanyang sinabi sa
Juan 4:23
Datapuwa’t dumarating ang panahon at ngayon nga na
sasambahin ng tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat
sila ang uri ng mananamba na hinahanap ng Ama.
Dito ipinakilala ni Kristo ang layon ng
pagsamba ay ang Ama at hindi siya. Samakatuwid ganap na walang-kapitagan na ipahayag
na ang dapat sambahin ay ang itinaas na si Kristo mula bawatsaling-wika ni Juan
3:14 kung saan ang Anak ng tao ay kailangang itaas kagaya ng kay Moises na
itinaas ang ahas sa ilang . Ang layunin ng pagpapako sa krus ay upang ang tao
ay magkaroon ng buhay na walang hanggan, hindi upang si Kristo ang maging layon
ng pagsamba na siyang maling pahayag. Mula sa maling premisa, ito rin ay maling
pahayag na ang mga Kristiyanong mananamba sa katawan ni Kristo at dugo ng
Eukaristiya.
Eloah ang Diyos ng Lumang
Tipan at ang Templo at ang diyos ni Hesus Kristo sa Bagong Tipan. Ang Templo sa
Herusalem ay ang tahanan ng Eloah (Ezra 4:24; 5:2,13,15,16,17; 6:3,5,7,8,16,17;
7:23). Siya ang Eloah ng Israel (Ezra 5:1; 7:15), ang
makapangyarihang Eloah ng langit (Ezra 5:8,12). Siya ang dahilan ng
pagpapakasakit sa Templo (Ezra 6:10) na siyang dahilan ng pamamahay ng kanyang
pangalan (Ezra 6:12). Siya ang nag-utos ng pagtatatag ng Templo (Ezra 6:14) at
ang mga pari ang siyang tumatayong tagapaglingkod niya (Ezra 6:18; 7:24) at
gumagawa ng kanyang nais (Ezra 7:18). Ang kautusan ay kautusan ng Diyos sa
langit (Ezra 7:12,14). Sa mga nakakaalam ng kautusan ng Diyos ay dapat ituro s
mga ‘di pa nakakaalam (Ezra 7:25) at ang paghusga ay sa kautusan ng Diyos (Ezra
7:26). Ang katauhang ito ay ang Ama na siyang nag-iisang Diyos at
kataas-taasang Diyos, ang Ama ng Mesiya at lahat ng anak ng Diyos.
KABANATA 2
ANG PLANO NG
KALIGTASAN
2.1 Ang Pagguho ng Sangkatauhan
Ang Sangkatauhan ay nilikha sa larawan at katulad ng Diyos (Gen. 1: 26-27). Si Adan at Eba ay isinumpa dahil sa pagsuway (Gen. 3:16-19). At bilang bunga ng paghihimagsik na ito, kasalanan at kamatayan ang dumating sa lahat tao (1Cor. 15:22; Roma 5:12)
2.2 Ang
Kaligtasan ng Sangkatauhan
Ayaw ng
Diyos na mapahamak ang sinoman (2Ped. 3:9). At upang ang sangkatauhan ay
makaligtas sa parusa ng kasalanan, na kamatayan, ang Diyos ay lumikha ng plano
ng kaligtasan na kinasasangkutan ng sakripisyo sa kamatayan at pagkabuhay na
muli ng Kanyang anak na si Hesus Kristo (Jn. 3:16). Ang plano ay ang pagkasunod
na ani na kung saan si Kristo ay ang unangbunga sa mga namatay na (1Cor.
15:20). Ang plano ng kaligtasan ay nasasalamin sa taunang Banal na araw ng
Bibliya (Lev. 23).
2.3 Ang Bibliya bilang Insirasyong
Katotohanan
Sinabi ni Kristo: Nasusulat ang tao hindi sa tinapay lamang nabubuhay, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.(Mat. 4:4; Lk. 4:4). Ang Bibliya ay kilala bilang Bibliya (Dan. 10:21), at ito ay tiyak patungo sa kaligtasan ng sangkatauhan at ang pagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos (Ex. 9:16; Roma 9:17). Ang ibig sabihin na ang kaligtasan ay si Kristo (Roma 10:11) na siyang hinulaan mula sa kasulatan ni Moises at ang mga propeta (Lk. 24:27), hinulaan ang katauhan sa kasulatan (Mat. 26:56; Roma 1:2).Lahat ng Bibliya ay inspirasyon ng Diyos at mahalaga sa pagtuturo, upang may katunayan, para itama, at para sa pagsasanay sa kabutihan, na ang tao ng Diyos ay makumpleto, may kasangkapan sa mabuting gawain (2Tim. 3:16).
Ang Bibliya sa panahon ni Kristo at ng mga apostol
ay ang Lumang Tipan (Mat. 21:42; Mar. 12:10; Gawa 17:2). Ang Lumang Tipan ay
ang Bibliyang kinasihan ng Diyos o mapapakinabangan na nasa 2Tim. 3:16. Ang
Bagong Tipan ay karagdagan sa Lumang Tipan. Hindi nito pinalitan ang Lumang
Tipan.
Ang Lumang Tipan
ay nasulatsa lumipas na panahon para sa ating
pagtuturo, upang sa pagtitiis at pagpapasigla ng Bibliya ay magkaroon
tayo ng pag-asa (Roma 15:4). Ang pagkakamali ay nanggaling
mula sa kaunting kaalaman sa mga Kasulatan (Mat. 22:29; Mar. 12:24). Ang mga
Beroeans (o Bereans KJV) pinag-aralan ang kasulatan araw-araw, upang patunayan
kung ang sinasabi ay tama. Ito ay masusukat bilang marangal (Gawa 17:11). Ang
buong larawan ng Bibliya ay kinuha mula sa lahat ng bahagi ng kasulatan, utos
sa utos, linya sa linya (Isa. 28:10). Ang kasulatan ay nagpapakita na si Hesus
ay ang Mesiyas o Krista (Gawa 18:28). Si Hesus Kristo sa pamamagitan ng Banal
na Espiritu, na siyang nagbukas ng kaisipan ng mga hinirang magmula sa mga apostol, upang ang kasulatan ay kanilang maunawaan
(Lk. 24:45).
Ang kasulatan ng Lumang
Tipan ay kailangang matupad (Mat. 26:54, 56; Mar. 12:10, 14:49) a hindi maaring
sirain (Jn. 10:35). Marami sa kasulatan ang sinunod at tinupad kay Kristo, o
matutupad kay Kristo sa kanyang ikalawang pagbabalik (Apo. 1:7,12:10, 17:14,
19:11-21), na may kapangyarihan at kaluwalhatian (Mat. 24:30).
2.4
Pagsisisi at Pagbabagong-loob
Para mabuhay
ang sangkatauhan, o magkaroon ng buhay na walang hanggan, hiniling ng Diyos na
magsisi kapag hindi kayo nagsisi kayo ay mamatay (Lk. 13:3,5).
Ipinadala si
Iglesia Kristo upang tawagin ang sangkatauhan sa pagsisisi (Lk. 11:32). Ang
pangangaral ni Kristo ay nagsimula pagkatapos na makulong si Juan ang
Mambibinyag (Mat. 4:12). Ang pagkabilanggo ni Juan ay nangyari sa mga panahong
tapos na ang Paskuwa ng 28 AD (Jn.3:22-24, 4:12) bilang Paskuwa sa pagtatapos
ng pangangaral ni Juan sa ikalabinlimang taon ng paghahari ni Tiberio (Lk.
3:1). Mula sa panahaong iyon, nagsimula angpangangaral ni Hesus na sinasabing magsisi kayo, sapagkat ang kaharian ng
langit ay malapit na (Mat. 4:17).Binigyan ni Kristo ng tungkulin ang
kanyang disipulo na ipangaral ang ebanghelyo ng pagsisisi, na binibigyan niya
sila ng kapangyarihan higit sa mga demonyo o maruruming espiritu (Mar. 6:7, 12;
Lk. 10:1, 17:20).
Ang
pagsisisi ay itinuro bilang paunang pagpawi ng mga kasalanan (o kahinaan) (Gawa
8:22) upang kung ang panahon ng kaginhawaan ay dumating mula sa harapan ng
Panginoon, at upang kanyang ipadala ang Kristo na itinalaga para sa atin (Gawa
3:19-20).
Ang panahon
ng kawalang-malay, na siyang tawag, angDiyos ay nakaligtaan subalit, pagkatapos
ni Kristo, inutusan Niya ang lahat ng tao na magsisi, mayroong araw na itinakda
para sa paghuhukom sa kanila (Gawa 17:30).
Mula sa
pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos, ang nagsisisi ay kailangang gumawa ng
mga gawa na karapat-dapat sa pagsisisi (Gawa 26:20).
Ang Iglesia
sa Efeso ay tinawag sa pagsisisi at magugunita kung ano ang dahilan kung saan
sila ay bumagsak, at gawin uli ang gawain na ginawa nila nung una (Apo. 2:5). Ganoon
din ang Iglesia ng Pergamo ay tinawag din sa pagsisisi (Apo.2:16). Sa gayon din
ang Iglesia sa Tiatira (Apo. 2:22-23) kung saan ang mga mangangaral nila ay
naratay sa relihiyon. Ang Iglesia sa Sardis ay tinawag din sa pagsisisi o si Kristo
ang pupunta sa kanila na tulad ng magnanakaw sa gabi at hindi mo alam kung
anong panahon siya darating (Apo. 3:3). Sa mga pinagsisisi at dinadalisay sila.
Hiniling niya na sila’y (sa kasong ito ang Laodiceans), ay nagseselos at sila’y
nagsisi (Apo. 3:19). Ang pagsisisi dahil
dito ay patuloy sa lahat ng Simbahan ng Diyos, na siyang responsibilidad ng
lahat (San. 5:19-20).
2.5 Pagbibinyag
Lahat ng kapangyarihan ay ipinagkaloob
kay Kristo kasunod sa kanyang muling pagkabuhay (Mat. 28:18). Ipinag-utos sa
kanya na humayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa na sila’y
bibinyagan sa ngalan ng Ama, at ng Anakat ng Espiritu Santo (Mat. 28:19). Na ituturo sa kanila na gawin ang lahat ng ipinag-uutos
ni Kristo. Dahil dito sumasa kanila siyang palagi hanggang sa katapusan ng
sanglibutan (Mat. 28:20).
Ang
pagsisisi ay kailangang may kasamang pagbibinyag para sa paggagawad ng kaloob
ng Espiritu Santo (Gawa 2:38). Hindi ka makatatanggap ng Espiritu Santo maliban
kung magsisisi ka at mabinyagan kaya ikaw ai ipanganganak muli. Maliban kung
ikaw ay ipanganak muli hindi ka makakapasok sa kaharian ng Diyos (Jn. 3:3, 5). Ang pagsisisi ay
kondisyon para sa pagbibinyag at pagtanggap ng Espiritu Santo. Kaya ang
pagbibinyag sa sanggol ay makatuwirang ipagbawal dahil laban sa Bibliya. Ang
kailangan sa pagsisisi ay binigyang-diin ng misyon ni Juan ang Mambibinyag na
siyang nangunguna sa pagbibinyag ng Banal na Espiritu kay Kristo (Mar. 1:4, 8).
Sinabi ni Juan na si Kristo ay
bibinyagan sila sa Espiritu Santo at sa apoy , tungkol sahindi pa nagsisisi (na
ilalarawan bilang ipa) (Lk. 3:16-17).
Ang Banal na Espiritu ay ipinagkaloob sa utos ng Diyos. Sa kahilingan,
ipinaalam sa paglalagay ng kamay, angBanal na Espiritu pumapasok sa isang tao.
Ang Espiritu ay kaya para sa bawat katangian ng gawa. Ang Banal na Espiritu ay
gumaganap na sa isang tao bago pa mabinyagan. Ang Espiritu ay nakapagligtas ng
mga hinirang sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo (Heb. 7:25). Ang unangbunga ng
espiritu ay ipinagkaloob sa bawat tao sa pagbibinyag, mula sa Roma 8:23, na
malinaw na sinasabi na ang pagkupkop ay
hindi agad mangyayari hanggang ang pagtubos
sa ating katawan. Dahil dito tayo ay ipanganganak
muli subalit patuloy sa paglaki sa espiritu araw-araw kay Kristo Hesus
hanggang tayo ay makarating sa kaluwalhatian ng Diyos.
Ang pagkakaloob ng Banal na Espiritu sa pagbibinyag
ay ang tubig sa balon ng kaligtasan
na pangako ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang propeta (Isa. 12:3). Itong tubig
ng Banal na Espiritu ay pangako ng Diyos kay Jacob na nakalarawan sa Isaias
44:3. Ang Panginoong Diyos ay ang bukal ng tubig ng buhay na tubig (Jer. 2:13,
17:13; at Zech14:8). Ito ay ang ilog ng
tubig ng buhay (Apo. 22:1). Si Kristo, nagsasalita tungkol sa Espiritu (Jn.
7:39), sinabi niya mula sa kanya ang tubig ng buhay ay aagos (Jn. 4:10-14,
7:38; Isa.21:3, 55:1,58:11; Ezek. 47:1). Ang Israel ay malinis na espiriu dahil
sa tubig mula sa Ezekiel 36:25, na ang tubig ng buhay o ang Banal na Espiritu
ang mga hinirang ay kumuha ng tubig na io ng walang kapalit (Apo. 22:17).
KABANATA
3
DOKTRINANG
PAMAMAHALA NG TAONG MAY PANANAGUTAN
3.1 Pagdarasal at Pagsamba
3.1.1 Ang Diyos bilang Layon ng
Pagdarasal at Pagsamba
3.1.1.1 Ang Layon ng Pagsamba
Ang pangunahing katayuan at ulo ng
palatandaaan ng mga hinirang ay lagi at ganap na monoteismo at paniniwala na
pantulong sa relasyon kay Kristo. Sinasamba natin
hindi ang ibang Elohim kundi ang Diyos lamang (Ex. 34:14; Deut. 11:16) o kayo
ay malipol (Deut. 30:17-18). Ibinigay ng Diyos ang kanyang unang kautusan na
Ako ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa’yo sa lupain ng Ehipto sa
lupain ng pagka-alipin. Huwag kang magkakaroon mga ibang Diyos (elohim) sa
harap ko (Ex. 20:2).
Ang kaisipan ng harap dito ay
iyon sa bukod sa bilang sa lugar na o walang kapangyarihan na
ang Diyos ay
nauunawaan nating na siyang Diyos Ama.
Mamahalin natin ang Panginoon na ating
Diyos at paglilingkuran siya ng buong puso at kaluluwa,
i.e. ang pagkatao, at bilang kapalit tayo ay
magkakaroon ng ulan sa kapanahunan para sa ating pananiman at pastulan para sa
ating mga hayop. Sa madaling salita, tayo ay pakakainin ng marami
(Deut.11:13-15).Pero tayo ay may Bagong kasunduan kung saan ang Panginoon
nagtatag ng Kanyang kauusan sa ating isipan at isinulat niya sa ating mga puso.
Siya ang ating Diyos at tayo ang kanyang tagapaglingkod,
sinasamba Siya, sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos ng kusang loob
(Heb.8:10-13).
Tayo ay sasamba sa harap ng Panginoon na ating Diyos
(Deut. 26:10; 1Sam. 1:3, 15:25). Itong Diyos ay Nag-iisang tunay na Diyos na
siyang Diyos Ama. Ang kinakailangan para sa buhay na walang hanggan ay ang
kilala natin Siya at ang Kanyang anak na si Hesus Kristo (Jn. 17:7). Ibinigay
natin sa Panginoon ang kaluwalhatian sa Kanyang pangalan; sinasamba natin ang
Panginoon sa kanyang kabanalan (Awit 29:2; 96:9). Lahat sa lupa ay sumasamba sa
Kanya at umaawit ng papuri sa Kanyang pangalan (Awit 29:66:4). Ito ay hinulaan
at paparating na. Lahat ng bansa na Kanyang ginawa ay darating at yuyuko,
nanginginig (Awit 96:9) sa harap Niya, nagpupuri sa kanyang pangalan, sapagkat
Ikaw mag-isa ay Diyos (Awi 86:9-10), ang Panginoon na lumikha sa atin. Siya ay
ating Diyos at tayo ay tupa ng Kanyang kamay (Awit 95: 6-7). Siya ay Banal
(Awit 99:5, 9). Ang pang-unawa na kung sino ang ating sinasamba ay ipinapakita
ng dalawang palatandaan na kasama ang pang-unawang tungkol sa kalikasan ng
Diyos na bumuo ng tatak ng mga hinirang ang dalawang palatandaan ay mga:
1.
Ang Sabbath (mula Ex. 20:8, 10,11;
Deut. 5:12). Ang Sabbath ay ang tanda sa pagitan natin at ng Diyos na
nagpabanal sa atin (Ex. 31:12-14).
2.
Ang Paskuwa. Ang Paskuwa ay tanda o
tatak kung saan mula sa Exodo 13:9, 16, ang Paskuwa, kasama ng Pista ng Tinapay
na walang lebadura, ay ang tanda ng kautusan ng Panginoon (Deut. 6:8) at ang
pagtubos Niya sa mga Israel (Deut. 6:10) kung saan, mula sa Bagong Tipan,
iniabot sa mga naniniwala kay Kristo (Roma 9:6, 11:25-26).
Ang palatandaang ito ng kautusan, ang Sabbath at
Paskuwa, na tuwirang pinangangalagaan laban sa pagsamba sa ibang mga Diyos
(Deut. 11:16). Itong dalawang palatandaang ito ay mga tatak sa kamay at ang ulo
ng mga hinirang ng Diyos at, kasama ang Banal na Espiritu, ay bubuo ng araw sa
Apocalipsis 7:3 . Sila ang namumuno sa natitirang Banal na mga Araw.
Sinabi ni Kristo: Kayo ay sasamba sa Panginoon na inyong Diyos at Siya lamang ang inyong
sasambahin (o paglilingkuran) (Mat. 4:10; Lk.4:8). Sa gayon ang
paglilingkod ay pagsamba sa bibliyang katawagan.
Ang pagsamba sa Diyos sa pamamagitan ng mga utos ng
tao ay pagsamba ng walang halaga (Mat. 15:8-9). Dahil ang nais ng Ama na ang
tao ay sumasamba sa Diyos sa espiritu at katotohanan (Jn. 4:21-24). Sapagkat
tayo ang tunay na pagtutuli na sumasamba sa Diyos sa espiritu at pagpupuri
kay Kristo Hesus (Fil. 3:3). Lahat ng kapulungan ng
Kataas-taasan, kasama si Kristo ay sumasamba sa harap ng Diyos, na lumikha ng
lahat ng bagay at sa kaninong kalooban na sila’y likhain at lumitaw (Apo.
4:10). Sa utos ni Kristo, parehong sa kautusan (Ex. 20;3) at sa pagpapahayag,
sinasamba natin angDiyos (Apo. 22:9).
3.1.1.2 Ang Layon ng Panalangin
Ang sangkatauhan ay dumadalangin sa Panginoong Diyos (Awit 39:12; 54:2) na nakririnig. Anuman ang hingin sa panalangin ay matatanggap mo kapag may pananampalataya ka (Mat. 21:22). Si Kristo ay ang halimbawa sa mga tao na nanalangin sa kanyang Diyos at sa ating Diyos na siyang Ama (Lk. 6:12).
Ang pangunahing layunin ng mga hinirang
at ang pangangaral ay panalangin at ang pangangaral o paglilingkod ng mga
salita (Gawa 6:4). Ang kapulungan ng mga kataas-taasan ay binigyang tungkulin para
sa pagbabantay ng mga panalangin ng mga taong banal (Apo. 5:8).
3.1.1.3 Pansarili at Sama-samang
Panalangin sa Kapakanan ng Iba
Ang sama-samang panalangin ng isang kasunduan ay isang halimbawa ng mga apostol (Gawa 1:14). Ito ay kinuha pa ng buong Simbahan (Gawa 12:5).
Ang panalangin ay hindi lang para sa
Simbahan; ito ay para sa mga may sagisag pero hindi marunong at hindi
nagpaubaya sa katuwiran ng Diyos. Dahil si Kristo ang kauuwian (o layon) ng
kautusan na ang lahat na may pananampalataya ay maitutuwid (Roma 10;1-4).
Ang Panalangin ay nagdadala ng tulong. Biyaya ang ibibigay na sagot sa maraming panalangin na dapat bigyan ng kaukulang pasasalamat, gayundin sa maraming pananalangin (2Cor. 1:11). Ang panalangin ay dapat nasa espiritu (Efeso 6:18). Ang panalangin ay dapat na matiyagang panalangin (Col. 4:2-4) at ito ay gamot sa kakayahang makatayo ng tuwid sa katotohanan at katuwiran (Efeso 6:14).
Ang panalangin ng makatuwirang tao ay
may malakas na kapangyarihan ang bisa nito. Ang panalangin ng pananampalataya
ay makakagaling ng sakit at katiyakan ng kapatawaran ng kasalanan. Kung ganoon,
magpahayag tayo ng ating kasalanan sa isa’t isa at manalangin para sa isa’t isa
ng tayo ay gumaling (Sam.5:15-16).
3.2 Ang Relasyon ng Tao sa Pagitan ng
Kaligtasan at ng Kautusan
3.2.1 Ang Diyos ay Ating Bato
Ang Diyos ay ating malaking bato, ating lakas at ating kaligtasan, na sa kaniya’y nagkanlong tayo (Awit 18:1-2). Sa kanya tayo’y may tiwala at hindi matatakot (Isa. 12:2). Ang kaalaman sa kaligtasan ay pagtupad ni Kristo at ng mga propeta (Lk. 1:77). Itong kaalaman ay ipinaabot sa Simbahan kung saan ang mga taong banal ang tagapamahala ng mga hiwaga ng Diyos (1Cor. 4:1). Ang kaligtasan ay mula sa mga Hudyo (Jn. 4:22) pero iniabot ni Kristo sa mga sumasamba sa Diyos sa espiritu at katotohanan (Jn. 4:23-24). May kaligtasan sa iba na walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao upang tayo ay maligtas (Gawa 4:12). Kaya ang kaligatasan ay ibinigay ng ebanghelyo, sa kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng lahat ng may pananampalataya, unang darating sa mga Hudyo at pagkatapos sa mga Gentil. Sa ebanghelyo, ang katuwiran ng Diyos ay ipinahayag sa pamamagitan ng pananampalataya para sa pananampalataya, dahil siya sa pamamagitan ng pananampalataya ay makatuwiran na mabuhay (Roma 1:14-17). Hindi itinalaga ng Diyos ang sangkatauhan para kapootan subalit upang magtamo ang kaligtasan sa pamamagitan ni Hesus Kristo (1Tes. 5:9).
Ang pang-unawa ng Diyos ay nagbunga ng makadiyos na dalamhati; na nagbunsod sa atin para magsisisi na magdadala sa atin sa kaligtasan (2Cor. 7:10). Kaya ang ebanghelyo ay ang salita ng katotohanan at ito nga, samakatuwid, ang ebanghelyo ay kaligtasan, na tinatakan ng Banal na Espiritu ang mga nagsisi (Efeso 1:13). Ang kaligtasan ay matatamo mula sa sagradong panulat o kasulatan. Bilang pinasigla ng Diyos, ang kasulatan ay maaaring magturo ng pagsisisi para sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus Kristo (2Tim. 3:15-16). Kahit na siya ay Anak, natuto siya ng pagkamasunurin dahil sa kanyang tiniis. Bilang ginawang perpekto, siya ang naging simula ng walang hanggang kaligtasan sa mg sumusunod sa kanya (Heb. 5:8-9)
Kaya, minsan siya ay naihandog upang dalhin ang kasalanan at babalik sa ikalawang pagkakataon, hindi upang dalhin ang kasalanan kundi iligtas ang mga nasasabik na naghihintay sa kanya (Heb. 9:28). Ang kaligtasan ay kaya karaniwan sa lahat at minsan at para sa lahat ng dinala sa mga banal (Judas 3). Kaya walang paghahayag matapos na bigyan si Hesus Kristo ng Diyos at ipinasa kay Juan. Lahat ng kailangan para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay nilalaman ng Bibliya. Kaligtasan at kapangyarihan at kaluwalhatian ay galing sa Diyos at Siya ang nagpahayag sa kanyang tagapaglingkod sa pamamagitan ni Kristo at hindi na ito mababago pa (Apo. 22:18-19).
Ang huling pagtatatak ng mga banal na tao ay sas pamamagitan ng Banal na Espiritu bilang basehan ng kautusan ng diyos na ipinagtapat sa Bibliya mula sa Lumang Tipan nagsisismula sa paghahayag ng kaututsan.
Ibinigay ni Kristo ang kautusan sa Sinai bilang Anghel ng Kasunduan o Pagharap, ang anghel ni Yahweh. Sinabi niya na
… hanggang ang
langit at lupa ay mawala, hindi isang kudlit, hindi isang tuldok, ang mawawala
sa kautusan hanggang lahat ay matupad. Kung sinuman sumuway sa isa sa
kaliitliitang mga utos na ito at ituro ang ganoon sa tao, ay tatawaging
kaliitliitan sa kaharian ng langit,pero ang sinuman ang gumawa at ituro ay
tatawagin dakila sa kaharian ng langit… (Mat. 5:18-19).
Kaya si Kristo walang dako na binawasan ang kautusan . Iningatan niya ang kautusan at iniutos niya sa tao na gawin din. Ang kautusan at ang mga propeta ay hanggang kay Juan. Mula kay Juan, ang mabuting balita ng kaharian ng Diyos ay pinangaral, at lahat pumapasok dito ay nagpupumilit (o ay nagsusumiksik) (Lk. 16:16).
Ngunit as
madali para sa langit at lupa ang mawala, kaysa sa isang kudlit ng kautusan na
maging walang laman (Lk. 16:16-17).
Ang kautusan ay binigay sa pamamagitan ni Moises, pero hindi pa rin sinunod (Jn. 7:12). Sa mga nagkasala na walang kautusan, mapapahamak ng walang kautusan. Sa mga nagkasala sa ilalim ng kautusan ay mapapahamak sa ilalim din ng kautusan (Roma 2:12) dahil ang kasalanan ay di-pagkilala o paglabag ng kautusan (1Jn. 3:4). Ang pagtutuli ay isinasapuso at ang pagsunod ng mga paniniwala ng kautusan ay masusukat ng pagtutuli. Sinomang sumusunod sa kautusan ay natuli sa puso, habang sinoman ang natuli at hindi sumunod sa kaututsan ay tulad siya ng suwail. Sa mga Hudyo ay ang mga sumusunod sa kautusan mula sa puso bilang Hudyo sa panloob. Subalit sa mga nagsasabing sila ay Hudyo at hindi naman, ay dumating sa kahatulan (Apo. 3:9) at sila’y magpapatirapa sa harap ng mga santo. (Ang pagpapatirapang ito ay isinalin din bilang pagsamba at ginamit kay Kristo at sa mga hinirang).
Ang kautusan ay banal at ang mga utos ay banal at dapat at mabuti (Roma 7:12). Ang kautusan, kaya, hindi nagdudulot ng kamatayan sa halip kasalanan, kung saan ay paglabag ng kautusan, ginagawa ng bawat tao (Roma 7:13).
Ang kautusan ay espiritu pero ang sangkatauhan ay makalaman na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan (Roma 7:14). Ang tunay na nagbagong tao kalugud-lugod sa kautusan ng Diyos sa kanilang kaloob-looban (Awit 119:1 ff: Roma 7:22). Dahil ang kautusan ang nangunguna sa tao kay Kristo na siyang wakas ng kautusan (Roma 10:4). Bilang pinangunahan ng Espiritu pinalaya ang bawat tao mula sa pagkakailalim sa kautusan (Gal. 5:18). Hindi dahil alisin ang kautusan sa halip ay upang itulot ang kautusan na sundin mula sa panloob na kagustuhan at tamang paggawa, bilang sa pagiging natural natin (Heb. 8:10-13). Ang kautusan ng Diyos ay magpatuloy sa paniniwala at hindi ng mga gawa (Roma 9:32). Ang pagkamasunuring sa mga utos ay kinakailangan sa pagpapanatili ng Banal na Espiritu na nanahan sa mga sumusunod sa utos ng Diyos (1Jn. 3:24, Gawa 5:32). Kaya imposibleng maging Kristiyano at mahalin ang Diyos at si Kristo ng hindi sinusunod ang kautusan. Ito, ng pangangailangan, kinasasangkutan ng pagsunod ng Sabbath bilang ikaapat na utos.
3.2.2 Kaligtasan sa Kabaitan
Ang kabaitan ng Diyos ay lumitaw para sa kaligtasan ng lahat ng tao, sinasanay tayo na itakwil lahat ng di-makarelihiyon at madamdaming salita, at mabuhay ng matino, makatuwiran at makadiyos na pamumuhay dito sa mundo, naghihintay sa pinagpalang pag-asa at paglitaw ng kaluwalhatian ng makapangyarihang Diyos at ang ating tagapagligtas; Si Hesus Kristo (Tit. 2:11 tingnan Marshall’s RSV Interlinear Greek-English New Testament). Si Kristo ay ang paglitaw ng kaluwalhatian ng makapangyarihang Diyos na siyang Tagapagligtas (Tit. 2:10). Kaya kabaitan ang produkto ng gawain ni Hesus Kristo.
Ang Iglesia ay binantayan ng kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng paniniwala para sa kaligtasan na nakahanda upang ipahayag sa huling panahon (1Ped. 1:5). Ang kinalabasan ng paniniwala ay ang kaligtasan ng kaluluwa. Ang mga propeta ay nanghula tungkol sa kaligtasan pero hndi alam ang panahon o ang pagkatao ng Mesiyas ng hinulaan nila ang kanyang paghihirap at kasunod na kaluwalhatian (1Ped. 1:9-10).
Dumating ang kasalanan dito sa mundo dahil kay Adan at namayani mula kay Adan hanggang kay Moises. Kamatayan ang bunga ng kasalanan (Roma 5:12). Ang kasalanan ay narito na bago pa ibinigay ang kautusan kay Moises (Roma 5:13). Kaya ang kahihinatnan ng kautusan ay alam na mula kay Adan, kaya ang kasalanan ay ‘di binilang kung saan wala pa ang kautusan. Ang biyaya ay nanagana pa dahil sa pagkatubos ng tao mula sa kasalanan at ang kautusan. Dumarami ang kasalanan, sa ilalim ng kautusan, ang biyaya ay sagana (Roma 5:15-21). Sa pagkamasunurin ng isang tao marami ang gagawing maghahari sa biyaya na mananatili sa pamamagitan ng katuwiran sa buhay na walang-hanggan kay Hesus (Roma 5:20-21).
Kaya ngayon ay walang kaparusahan para sa mga na kay Kristo (Roma 8:1). Ang kautusan ay kaya natupad na sa atin na lumalakad ayon sa Espiritu (Roma 8:4).
Ang Espiritu ang nagtutuwid ng isipan ayon sa layunin (Roma 8:5). Ang kaisipan ay nakakabit na sa laman ay laban sa Diyos. Hindi ito nagpapaubaya sa kautusan ng Diyos at sa katunayan hindi nagpapasaklaw sa kautusan (Roma 8:7). Kaya, ang makalaman o hindi pa nabagong kaisipan ay kinikilala sa kanyang pagsalungat sa pag-iingat ng kautusan ng Diyos.
Ang Espiritu Niya na bumangon kay Kristo mula sa pagkamatay nananatili sa mga Kristiyano, nagbibigay buhay sa pamamagitan ng Espiritong namamahay sa bawat tao (Roma 8:11). Lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos (Roma 8:14) at ito ay dahil sa biyaya ng Diyos. Ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises, ang biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Hesus Kristo (Jn. 1:17). Kaya tayo ay sumisigaw Abba o Ama nililinang ang tulad ng Pagka-anak (Roma 8:15) na ibinigay sa ating kapatid na Hesus Kristo.
Ang kautusan mismo ay hindi nagbibigay ng kahatulan. Ang tao ay hinatulan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus Kristo (Gal. 2:16). Ang buhay na kanilang ikinabuhay sa pananampalataya sa Anak ng Diyos (Gal. 2:20). Sa pamamagitan ng kautusan, tayo’y mamatay sa kautusan upang tayo ay mabuhay sa Diyos (Gal. 2:19). Pero hindi natin winawalang halaga ang biyaya ng Diyos sa pagsunod ng Kautusan dahil tayo ay hindi kinakatwiranan ng kautusan (Gal. 2:21). Iniingatan natin ang kautusan dahil ang Espiritu ang nagtuturo sa atin at ang kautusan sumusulong mula sa kabanalan ng Diyos na ating iniligay at upang tayo ay makibahagi (2Ped. 1:4), kagaya ni Kristo.
Tayo ay naligtas hindi sa kautusan kundi sa biyaya ni Hesus Kristo (Gawa 15:11). Ang kasalanan ay walang kapangyarihan sa ibabaw ng mga hinirang dahil sila ay wala sa ilalim ng kautusan pero sa ilalim ng biyaya at mga alipin ng Diyos (Roma 6:14-15). Gayunman, hindi tayo nagkasala sa paglabag ng kautusan dahil tayo ay alipin ng Diyos at makatarungan at hindi sa kasalanan, sa pagiging masunurin mula sa puso sa pamantayan ng pagtuturo na dapat nating gawin (Roma 6:17-18). Sapagkat, bago tayo mamatay sa pamamagitan ng ating kasalanan, tayo ngayon ay ginawang buhay kasama si Kristo sa biyaya (Efeso 2:5). Tayo ay kasamang ibinangon at umupo kasama ni Kristo sa kalangitan upang ipakita ng Diyos sa darating na panahon ang lawak at kayamanan ng Kanyang biyaya at kabaitan sa atin sa pamamagitan ni Kristo Hesus (Efeso 2:6-7). Ng dahil sa biyaya tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalatay. Ito ay hindi gawain ng isang tao; ito ay regalo ng Diyos at hindi dahil sa gawa upang walang tao ang magmayabang (Efeso 2:9). Kaya,iniingatan natin ang kautusan sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos sa biyaya.
3.2.3 Obligasyon sa Ilalim ng Kautusan
Mayroong patuloy na obligasyon na ingatan ang kautusan na hindi nawawala, o mapapalitan na nakita natin sa (Mat. 5:18; Lk.16:17). Hindi ito nasusunod ng tama ng mga Hudyo sa panahon ni Kristo (Jn. 7:19), na napalitan dahil sa tradisyon (Mat. 15:2-3, 6; Mar. 7:3, 5, 8-9, 13) sa pamamagitan o kabusabusan ng mga Hudyong guro ng araw na ‘yon, na gumagawa ng pagsubok sa Diyos (Gawa 15:10).
Mayroon nga, mula sa itaas, na patuloy na obligasyon na sundin ang utos ng Diyos. Ito ay malawak at hindi mawawala hanggang sa katapusan ng panahon na may kinalaman sa buhay ng tao.
3.2.3.1 Bakit ang mga Kistiyano Sumusunod sa Kautusan
Ang mga Kristiyano ay naligtas ng pananampalataya at hindi ng kautusan. Bakit noon ito ay sinimulan na kanilang tinaggap at sundin ang kautusan? Dahil:
Ang kautusan ng Diyos naggagaling mula sa palagiang kabutihan ng Kanyang kalikasan.
Ang kautusan ng Diyos sumulong mula sa kalikasan ng Diyos at kaya ito nakatayo magpasawalang-hanggan dahil ang Diyos mismo ay hindi magbabago, sa pagiging lubos na mabuti bilang sentro ng kahuli-hulihang kabutihan. Sa Marcos 10:18 sinabi ni Kristo: Bakit mo akong tinawag na mabuti? Ang Diyos lamang ay mabuti o Bakit mo tinatanong tungkol sa kung ano ang mabuti? May isa na siyang mabuti. Kung papasok ka sa buhay ingatan mo ang utos (Mat. 19:17). Ang kabutihan ng Diyos ang umaakay sa bawat isa sa atin sa pagsisisi (Roma 2:4). Ang kabanalan ng Diyos ay sa hindi mapapalitang kabutihan. Ang punong-abala ng kalangitan na nakikibahagi sa kanyang kabanalan kaya, sila’y naging matapat sa banal na kabanalan at kabutihan.
Sa ganitong paraan si Kristo ay pareho kahapon, ngayon at magpakailanman (aioonas) (Heb. 13:8). Ang mga hinirang, sa pakikibahagi ng kabanalan (2Ped. 1:4), magiging bahagi ng banal na pagkapari, ng sa Melquisedec na ito ay naiilipat (aparabaton) o hindi mapapalitan ng panahon (aioona) (Heb. 7:24). Si Kristo ay maykayang iligtas ng lubos ang mga nagsisilapit sa Diyos sa pamamagitan niya (tingnan Heb. 7:25 Marshall’s Greek-English Interlinear). Pero hindi siya ang layon ng pagsamba o kaya ang Diyos na nag-utos sa kagustuhan.
Ang kautusan ng Diyos ay nagpatuloy sa pananampalataya at hindi ng mga gawa (Roma 9:32). Tayo ay mayroong Bagong Tipan kung saan ang Panginoon ay magtatatag ng Kanyang mga kautusan sa ating isipan at isususlat ito sa ating mga puso. Siya ang ating Diyos at tayo ang Kanyang tagapaglingkod, sumasamba sa kanya, sa pagsunod sa Kanyang mga kautusan sa ating pinakabanal (Heb. 8:10-13). Kaya, ang panlabas na tanda ay balewala. Ito ay ang pagsunod ng utos ng Diyos na nagtuli sa atin (1Cor. 71:19) bilang mga Kristiyano at miyembro ng espirituwal na Israel. Ito ay sa mga galitin ang dragon sa pagsunod ng utos ng Diyos. Ang pagsunod sa mga utos ng Diyos ipinakilala sa paghahatol (Apo. 12:17). Ito ay ang mga banal na sumusunod sa mga utos ng Diyos at mananatili (Apo. 14:12).
3.2.3.2 Ang mga Kristiyano bilang Templo ng Diyos
Ang mga santo ay ang Templo o dambana, ang naos, ng Diyos at Espiritu ng Diyos ay namamahay sa kanila. Kung sinuman ang sumira sa Templo ng Diyos, siya ay pupuksain ng Diyos. Sapagkat ang mga Templo ng Diyos ay banal at ang Templo ay tayo (1Cor. 3:16-17). Sa dahilang ito, may mga obligasyon sa mga Kristiyano na panatilihin ang kanilang sariling katawan sa malusog na kalagayan upang maging angkop na sisidlan para sa Espiritu ng Diyos. Sa sinabi ng Diyos na Siya ay mabubuhay sa atin, at gagalaw kasama natin at Siya ang magiging Diyos natin. Tayo ay dapat maging banal at hiwalay. Ang Diyos ay ang ating Ama at tayo ay Kanyang mga anak (2Cor. 6:16-18 malayang inihayag sa bilang ng OT teksto: Lev. 26:12; Ezek. 37:27; Isaias 52:11; 2Sam. 7:14).
Sa dahilang ito, ang Kristiyano ay hindi dapat ipares sa mga hindi naniniwala (2Cor. 6:14). Dapat nilang linisin ang kanilang sarili mula sa bawat kalapastanganan ng katawan at espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Diyos (2Cor. 7:1). Sila ay kaya mga pimili mula sa simula at iligtas sa pamamagitan ng santipikasyon ng Espiritu at paniniwala sa katotohanan (2Tes. 2:14). Ang katotohanan ay kaya sapilitan sa kalusugang pangkaisipan at tanda sa mga hinirang. Ito ay maaaring makita mula sa paglalahad na ito ng pangkalahatang kautusan ng Bibliya ay may tiyak na kahulugan at layunin. Ang sukatan ng Templo ng Diyos na pinakita na sang-ayon sa mga kautusan na ito (Apo. 11:1).
3.2.4 Ang Sampung Utos
Ang Iglesia ay may kasunduan sa pagsunod ng Sampung Utos na matatagpuan sa Exodo 20:1-17 at Deuteronomio 5:6-21.
Ang unang utos ay
Ako ang Panginoon mong Diyos, na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto,
sa labas ng bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon ng ibang Diyos sa
harap ko.
Ang Diyos Ama ay ang nag-iisa tunay na Diyos (Jn. 17:3) at walang elohim bago pa , o may kapantay, Niya. Ito ay hindi pinahihintulot na sambahin o ipagdasal sa kahit anong ibang entidad kabilang si Hesus Kristo.
Ang ikalawang utos ay
Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan, o ng kahit anong
kawangis ng kahit anong bagay na nasa itaas ng langit,o nasa ibaba ng lupa;
Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila; sapagkat akong Panginoon
mong Diyos ay Diyos na mapanibughuin, na aking dindalaw ang katampalasangan ng
mga magulang sa mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin lahi na mga
napopoot sa akin, pero pinakikitaan ko ng pagmamahal ang mga nagmamahal sa akin
at tumutupad ng mga utos.
Kaya ito ay hindi pinahihintulot na gumawa ng mga anyo o kawangis ng anumang paglalarawan para gamitin sa relihiyosong pagsamba o pagsisimbolo. Ang krus ay kaya ipinagbabawal sa mga Iglesia bilang simbolo.
Ang mga utos mismo ay bumubuo ng bahagi sa paglalarawan ng relihiyosong sistema at kaya lahat ay nakikialam.
Ang ikatlong utos ay
Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang
kabuluhan, sapagkat ang Panginoon ay hindi aariin ang walang sala na
bumabanggit ng kanyang pangalan sa wa;ang kabuluhan.
Ang panglan ng Panginoong Diyos ay nagkakaloob ng kapangyarihan at, kaya, itong kautusan ipinamimigay hindi lamang sa simpleng kalapastanganan kundi ipinaabot sa maling gamit ng kapangyarihan ng Iglesia at sa lahat ng mga kabuluhan ng gawa sa utos ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus Kristo.
Ang ikaapat na utos ay
Alalahanin mo ang araw ng Sabbath (Pangilin), na gawin mo itong banal.
Anim na araw kang magtatrabaho, at iyong
gagawin lahat ng iyong gawain; ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa
Paanginoon mong Diyos. Sa araw na iyan ay hindi ka gagawa ng kahit anong
gawain, ikaw, o ang iyong anak na lalake, o anak mong babae, o ang iyong
aliping lalake, o alipin mong babae, o ang iyong baka, o ang iyong taga-ibang
lupa na nasa loob ng iyong pintuan; sapagkat sa anim na araw ang Panginoon
ginawa ang langit at lupa, ang dagat at
lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw sa gayon ang Panginoon
pinagpala ang araw ng Sabbath at sagrado ito.
Ang ikapitong araw na Sabbath ay kaya sapilitan sa pananampalataya. Walang Kristiyano ang maaaring maglingkod sa Diyos at mabigong igalang ang sabbath, na kilala sa kasalakuyang kalendaryo bilang Sabado. Ang pagtatatag ng ibang araw sa pagsamba maliban sa ikapitong araw hindi lamang sumisira sa utos na ito nagiging mismo simbolo ng pagsamba sa diyus-diyusan pagkatao sa panlabas na ipinahayag na kalooban ng Diyos. Ito ay ikalawang utos na pinakikialaman ang ikaapat na naging pagsamba sa diyus-diyusan. Ang linggo sa ikutang batayan ay may parehong epekto.
Ang unang apat na mga utos malalaman ang relasyon ng tao sa Diyos at kinilala sa ilalim ng una at mahalagang ulo ng kautusan, pinangalanang: ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng iyong kaluluwa, at ng buong isipan (at ng buong lakas mo Mar. 12:30). Ito ay ang dakila at unang utos (Mat. 22:37-38).
Ang kumpletong pagkakakilanlan ng Diyos nagsasanga mula sa pananampalataya’t pagtangkilik sa mga utos na ito at ang pag-ilag sa anumang galaw na maaaring mapinsala sila.
Ang ikalawang dakilang utos ay
Mahalin mo ang iyong kapwa ng gaya ng iyong sarili. Wala ng iba pang utos na higit pa rito (Mat. 22:39; Mk. 12;310).
Ang ikalawang dakilang utos ay kumakatawan sa relasyong una pa sa ilalim ng huling anim na mga utos sa sampu at ito’y mag-uugnay sa sangkatauhan.
Ang ikalimang utos ay
Igalang mo ang iyong ama at iyong ina, ng ang mga araw mo ay tumagal sa
lupang ibinigay ng Panginoon mong Diyos.
Ang pamilyang relasyon ay ang esensiyal na gusaling harang ng sinumang tao at ibalik ang saloobing ipinakita sa malawak na relihiyosong kayarian.
Ang ikaanim na utos ay
Huwag kang papatay.
Ang mga Kristiyano ay hinahatulan ng mataas na kautusan na hindi magalit sa kanilang kapwa. Sa pagkimkim ng galit ay paggawa ng dahas sa iyong kapwa. Sinumang galit sa kapwa niya ay mananagot sa paghahatol; sinuman uminsulto sa kanyang kapwa ay mananagot sa kapulungn, at sinumang magsabi, ‘Ikaw ungas!’ ay mananagot sa Gehenna (o ang libingan o impiyerno) (Mat. 5:22).
Ang ikapitong utos ay
Huwag kang makikiapid.
Ang mga Kristiyano ay hinuhusgahan ng mataas na kautusan ng kasabikan pagkatapos ng isa pang tao na hindi naman nila asawa (Mat. 5:28).
Ang ikawalong utos ay
Huwag kang magnakaw.
Ang magnakaw ay gumawa ng dahas sa kapwa mo at pagsira ng relasyon mo sa Diyos.
Ang ikasiyam na utos ay
Huwag kang magbibintang laban sa iyong kapwa.
Makatuwiran at makatarungan ay mga mahalagang parehong kaisipan ng pagkatao na parehong salita sa Hebreo. Kaya ang Kristiyano ay hindi maaaring makatuwiran lamang ang pagkatao. Ang kasinsayan ng katarungan ng maling patunay na pumapasok sa kaligtasan ng Kristiyano.
Ang ikasampung utos ay
Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapwa; huwag mong ang asawa ng iyong kapwa, o ang kanyang aliping lalake, o ang kanyang aliping babae, o ang kanyang baka, o ang kanyang asno, o anumang bagay na nasa iyong kapwa.
Pagkamaimbutin ay pamamaraan na maglalagay ng materyosong bagay o ang seksuwal na relasyon sa ibabaw ng isang relasyon sa Diyos. Dito mauunawaan ang pagsamba sa diyus-diyusan. Gumagawa ito ng isa pang bagay ang sentro ng pagnanasa at ito lumalabag sa ibang mga utos. Sa kamalayang ito, ang mga utos ay palibot-sulat doon sa pagkamaimbutin ay nagiging pangunahin sa pagkasira ng iba at, kaya, ang pagkasira ng isang aspekto ng kautusan sisirain nito lahat. Mayroon kaya walang relasyon sa kasalanan. Ang kasalanan ay paglabag ng kautusan . Si Kristo ay nagbigay ng paliwanag ng tunay na pang-unawa sa kautusan sa Mateo 5:21-48; tumutukoy sa Exodo 20:13; Deuteronomio 5:17, 16:18 at Lucas 12:57-59.
Ang mga utos ay dapat ituro ng lahat ng mga magulang sa kanilang anak sa patuloy na batayan. Sila ay dapat tandaan sa kamay at noo (sa isipan at gawa) at ilagay sa haligi ng pintuan ng bahay (Deut. 7:7-9).
3.2.5 Iba pang Kautusan na Namamahala sa Asal ng Tao
3.2.5.1 Ang mga Kautusan sa Pagkain
Ang mga kautusan sa pagkain ay matatagpuan sa Levitico 11:1-47 at Deuteronomio 14:4-21. Sila ay batay sa alituntunin ng katawan ng tao sa maayos na kalagayan ng kalusugan at batay sa pantarok pangkatawan simulain. Ang utos ay dapat banal at ang katawan ibinigay bilang angkop na sisidlan para sa Banal na Espiritu. Mayroon na pang-arok pang-agham batayan para sa mga kautusan sa pagkain. Ang pagkain ng dugo ay ipinagbabawal sa Levitico 3:17. Walang namamatay sa sarili o nakakasira na makakain (Ezek. 44:31). Ang mga pagbabawal sa pagkain ng prutas sa mga kautusan namamahala sa prutas ay matatagpuan sa Levitico 19:23-26. Ang mga kautusang ito ay may ispirituwal na mga kahulugan.
3.2.5.2 Ang Sabbath
Ang ikapitong araw na Sabbath ay dapat ingatan (mula sa Ex.20:8-11; Deut. 5:12-15) bilang ipinahayag na kautusan ng Panginoon at isa sa sampung utos. Ang mga ito ay di-malabag na kautusan habangbuhay ng lahat ng tao. Ang Sabbath ay banal. Sinuman ang lumapastangan sa Sabbath maghihirap sa kamatayan at puputulin mula sa kanilang mamamayan (Ex. 31:14-15). Ito ay habang panahon na kasunduan sa pagitan ng mamamayan ng Isarael at simbolo habangbuhay sa pagitan nila at ng Diyos, na tinatanggap Siya bilang tagapaglikha (Ex. 31:15-16). Lahat ng mga Kristiyano ay espirituwal na Israel at lahat ng mga Gentil ay kahuli-hulihang makakapasok sa bansa ng Israel. Samakatuwid, ang Sabbath ay simbolo sa pagitan ng Diyos at Kanyang mga mamamayan sa lahat ng panahon. Ang kaparusahan para sa lumalapastangan sa Sabbath ay ang kamatayan mangangailangan ng parusang Banal na Espirito at ililipat sa ikalawang muling-pagkabuhay (tingnan Apo. 20:5). Ang Sabbath ay galak at dapat parangalan bilang ang Banal na Araw ng Diyos. Hindi ito araw ng kalayawan kundi ng banal na pagtitipon (Isa. 58:13-14). Walang trabaho o pasanin na dapat dalhin dito (Jer. 17:21-22).